for Mina's contacts
fine, alam ko hasty generalization, pero kasi, kagaya ng pagkakaroon ng stereotype ng mga Atenista at Lasalista, yan ang pinaka magandang stereotype sa mga lalaki.
Rachel: Mm-hmm. Oh, so typical. Ooo, I'm a man. Ooo, I have a penis. Ooo, I have to win money to exert my power over women.Monica : I can't believe my parents are actually pressuring me to find one of you people.
kanina, as usual, tumambay kami sa cov courts para tingnan si #2! nagpaalam na ako kay coach van kung pwede na akong humiram ng bola, sabi niya sige raw! so punta ako sa dept, humiram ako ng bola kay coach gilbert, tapos hindi na niya pinaiwan id ko. si geli na nag-aaral, nung pinakitaan ko ng bola, nagpack-up na. haha! so nagbihis na kami. pagbalik namin, siyempre, yung usual court namin yung chineck ko, walang tao, pero mainit sa court 8! pero wala naman tao sa court 7, so doon kami nagpractice with ni geli with drea and dia! ang ganda ng shooting ko nun! haha! inspired? anyway, may game kasi sina drea at dia kaya ang sabi namin sa kanila, magbihis na sila. so nagbihis sila. habang nagbibihis sila, kami ni geli, shooting pa rin. tapos dahil pasulyap-sulyap ako kay #2, nakita ko na may mga boys nang gumamit sa kabilang half court ng court namin. nagshoot pa nga ako ng nakatalikod sa ring at nakaharap sa court 2, chook!
anyhoo, maya-maya dumami na yung boys, tapos all of a sudden, pumunta sila sa half court namin!!mga walang hiya amp. nagwhole court yung mga gago! reasonable naman ako, kung nagsabi naman sila, lilipat naman ako sa court 8 kasi hindi na naman ganun kalala yung araw sa isang half ng court dun, pero dahil gago sila, sinigawan ko! "EXCUSE ME!! NAGLALARO KAYA KAMI DITO!!!!!"si number 17 na nakablue, sige pagbibigyan kita dahil medyo pinigilan mo yung mga walang modo mong kaibigan. pero yung mga leche: SLEEPER 33, white #14 with orange shorts, nakamaong with stripes blue-yellow shirt, nakamaong with red shirt, nakamaong with blue-sleeved orange shirt, singkit na nakashirt under ng blue jersey, nakagreen na shirt, et al. tinandaan ko lahat mga mukha nila. at puro sila bano.
plus, buti sana kung magagaling e kung dumribol hanggang baba! race to 21 lang ata sila pero ang tagal nung game nila. anyhoo, sinasabi na ni geli na lumipat kami ng court, pero bakit ako lilipat?? ready akong makipagbwisitan noh. dumating si drea, simigaw na warfreak ako! haha! but salamat sa inyong dalawa at pumwesto pa rin kayo sa court with me kahit hesitant kayo... hindi kami tumabi tuwing dadating sila sa court namin. sinabi ko na. kami nauna, sila ang lumipat. ang dami nilang nasirang play, may tinamaan ng rebound sa ulo. masaya na ako. bwahaha!
pero pinaka natuwa ako nung sabi nung isa sa kanila "ay ssshhhh." lol, hawak ni drea yung bola sa top of the key. nasa low post ako. nasa court namin yung mga lecheng lalaki nung time na yun, hiningi ko yung bola kay drea kasi nakita ko na may magddrive. sakto lang yung pasa ni drea, problema, hindi ako marunong ng left lay-up. fininger roll nung isa sa kanila galing sa harap, ginawa ko yung lay-up na may ikot sa left para right hand ipang-shoot ko. papasok na yung tira niya but toink tinamaan ng bola ko, pumasok yung tira ko, tumalsik yung bola niya! sasabihin niya dapat "ay shit." malamang, pero "ay ssshhhh." lang nasabi niya nung tiningnan ko siya. lol
honestly, bakit iniisip ng mga lalaki na mas may karapatan sila sa court? bakit feel nila ang galing galing nila magbasketball na may karapatan silang mag-angas ng ganun? someone, please, sumagot. nakakairita kasi talaga. parang mga tanga. nakita kami ni coach mac, hindi daw ba kami nakakagulo dun, may naglalaro. sinabi kong nauna kami, at hindi naman sila nagsabi, sabi ni coach mac "ay, tama yan, tama yan."
nangyari na ito dati e. dito naman sa village. kasama ko si claire, bianca, ate bei and hindi ko na maalala. gusto ko rin magstay nun at makipagbwisitan, but kasi, may bumangga kay claire, kaya umalis na lang ako. kitang kita ko pa sa mukha ni bianx nun na gusto niya magstay e.
siyempre, nawala na yung maganda kong shooting, haha. at ang mas malala pa, hindi ko nasamantala yung pagiging nandun ni #2! nagstay pa naman later than usual. anyway, nauna sila matapos, pero after a while, pumunta na kami sa pe people kasi nga may game sina drea, dia, trisha vs x.
hay, kung wala si #2 nun, baka nakipagsigawan na ako sa mga lintik na yun. hindi lang sa basketball. bwisit talaga ang mga typical na lalaki. really, i'm so glad i'm gay.
No comments:
Post a Comment