Monday, August 20, 2012

Kaladkarin Kasi


Mar 16, '08 2:22 AM
for Mina's contacts

Kagabi, nagbabasa ako ng blog ng ibang tao, ito raw yung isa sa mga birthday wishes niya:

Mala-“nakakainis ka naman, naiiyak na ko”- birthday surprise. Hahaha!

Naisip ko, bakit mo naman gugustuhin yung pagsisinungalingan ka... magmumukha kang tanga. KANINA (March 15, 2008, 5ish), itinuro sa akin. itinuro sa akin ng mga taong nagturo na rin sa akin ng marami pang ibang bagay kung bakit.

Mabebente na ako sa darating na Sabado, ika-22 ng Marso 2008... Black Saturday yun! Gumising ako kaninang umaga, iniisip ko kung pupunta ba kami sa ABL Fellowship, haha, napaka-clueless ko. Inisip ko kasi kung may balak man sila gawin, pagkatapos na ng finals.

Grabe, hindi ko makwento, hindi ko alam kung paano sisimulan, kung anong sasabihin. Wala akong idea talaga! Kung kakamustahin niyo ang supresa, ang sagot ko lang, "supresa talaga." Sa pagyayaya ni Eya sa blockmates niya ng mag-mall ng 5pm, sa pagbubulungan nila ni Geli, sa pagtatago niya ng kung anu-ano sa bag niya, sa pagiging hindi pwede magsched ng kahit ano on the 15th na hindi naexplain ni Tanya kung bakit, sa pagluluto ni nanay, sa pagyaya ni Ginny sa Cherry, sa pagdala niya sa akin sa isawan, sa pagkaligaw namin sa Fortune, sa pakiki-ihi kuno niya dito sa bahay... wala, wala akong napansin. Hindi halata pero magaling naman talaga ako magbasa ng tao e, at mahirap ako supresahin dahil, hindi man halata, nag-iisip kaya ako.

I love being kaladkarin.

I hated surprises for as long as I can remember, lagi ko rin sinasabi. Yun ay dahil it involves a lot of being lied to (it matters, siyempre mga mahal mo yung susupresa sa iyo), not knowing what's going on (it matters kung kasama mo sila lagi), and looking stupid.



Kaya wala talaga akong kaalam-alam na maagang darating ang kaarawan ko ngayong taon.

No comments: