Monday, August 20, 2012
champions, baby!!!
Sep 25, '08 10:44 PM
for Mina's contacts
just to let every one know kung gaano ko na katagal iniintay ito, read this
i wrote that entry two years ago, when i thought that magiging champions na ulit ang ateneo blue eagles. of course, led by my jc intal, haha!
sobrang hassle ang pagkuha ng tickets this game, pumila kami but walang nakuha maski gen ad. tapos bumili ng gen ad tickets for 200, tapos binenta yung gen ad ulit at bumili ng upper b tickets for 800. kaasar pa kasi like 2pm that afternoon, ak got 5 upper a tickets ng gate price. anyhoo, yun! went with my blockmates (igna and sara, josh and erika, ak, raffy, jr... first time since that maximo oliveros excursion nung first year) and may. grabe, gusto ko talaga nun sa moro na lang manood. sobrang hassle kasi talaga, but deep inside, iba ang talaga ang suporta ko sa aking paboritong team sa aking paboritong laro (thanks to may for making me realize that).
sobrang saya ko na nandoon ako!!! sobrang kinabahan ako nung bumaba sa three points yung lead before ng fourth quarter pero sobrang sarap nung feeling nung last two minutes, tapos pinamigay ng yung "champions" banner! sobrang stunned na lang yung la salle crowd! sobrang sure na yun pero iba pa rin nung tumunog na yung final buzzer! sobrang nawala yung hassle na mag uwi ng cheering paraphernalia, hahaha!
ang sarap isipin na yung huling kanta ko ng alma mater sa isang game as a student was on an ateneo vs la salle game kung saan napanalunan nang ateneo ang championship!
props to jai reyes and nonoy baclao. tama talaga na nakuha nila yung number nina macky at jc! haha, sila #1 and #2 ko this year. hehe! syempre di mawawala si chris tiu, pati si my idol eric salamat! gusto ko lang sabihin, grabe, nawalan na respeto ko kay my ex idol casio. yung dating composure at maturity niya na kinabiliban ko, bumaba sa level ng panggugulang nina malabes at maierhoffer. pero props na rin to the la salle crowd, never ako nairita sa mga fans nila, unlike sa ibang schools (bakit ang onti nila). ayaw ko na magbitter sa mga non calls at phantom calls ng mga referees, haha! still hate nabro. anyhoo, point is, sobrang galing ng ateneo blue eagles!!! iba ang skills, maturity, composure, teamwork at puso!
grabe, pangalawang araw ng pinabright ni nonoy baclao ang araw ko! first was nung game 1 syempre! hahaha! every put back, rebound at block niya nung game gave me more hope na "tangina, magchachampion bago ako gumraduate!!!" woot for the finals mvp! totoo nga yung sinabi ni father dacanay na why nonoy baclao? because he's nonoy baclao!
worth it ang tickets kahit second time ko lang umupo sa upper b! worth it ang cut sa aking crush prof anton sevilla! worth it ang pagmiss ko ng test sa philo! worth it yung hirap umuwi dahil sa ulan at baha!
last year parang medyo lumabo yung math. parang naging 2 > 3 at 2 > 14. this year, walang malabo... siguradong sigurado, 4 > 0. sweep, man! ganun kalinaw ang pagiging champions ng ateneo blue eagles 2008! ang sarap maging atenista!!!
thanks to sara and igna for saving us seats! thanks to kara and ak for the tickets! :) block outing soon! for now, kita kita na lang sa bonfire. *off to buy a shirt*
go ateneo! one big fight!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment